Sunday, November 23, 2008

The Calvin or Hobbes Test

astig, sinubukan ko tong Calvin or Hobbes na test na nakita ko sa internet...tapos eto lumabas...

Your result for The Calvin Or Hobbes Test...

Mostly Hobbes


You are 30% Calvin and 70% Hobbes


You've got elements of both Calvin and Hobbes, but over all, your sensible side wins out over your wild streak, and you tend toward the tiger. As the picture below indicates, the head is the first place that people usually turn to the darkside (i.e. Calvin): symptoms include irresponsible behavior and crazy ideas. You're liable to both. But beneath that you have a heart, a sensitive side, and this more often than not carries the day.


Take The Calvin Or Hobbes Test
at HelloQuizzy


astig.

Sunday, November 9, 2008

astig na araw kahapon

astig kahapon....andaming nangyari.

nakita ko yung mga grades ko, maraming tumaas, pero bumaba average ko dahil ata sa chem, mula 1.75 naging 2.25. 2 units pa naman. pagkatapos ng card giving, nagbasket kami ng konti tapos pumuntang TriNoma. kasama ko sila chuck, arvin, carl at jasper. mga past 12 na nun. tapos kumain kami sa food court ng landmark. astig yung kinain ko, double pork chop tsaka dalawang kanin tapos 75 lang. tapos ansarap pa.

tapos hinintay naming dumating sina courtney, proc, nixxx at esguerra(sebo). nagreserve kasi kami ng seats nila para sa 007. tapos pagdating nila proc, kasama nila si jovick. bumili pa tuloy kami ng isa pang ticket. mga 2 ata nagsimula yung movie...dumating sila mga 1:55. astig yung movie, may nakita kami ni jasper na hindi pambata...

pagkatapos ng movie, nanlibre si esguerra sa mcdo kasi birthday niya. astig kasi nag-order sila ng 7 na manok, tapos 10 binigay, kaya kinain ni esguerra yung isang sobra, ewan ko kung san napunta yung dalawa. pagkatapos, mga 4:30 na ata yun, umuwi na si carl, courtney, esguerra at chuck. tapos nag-dota kaming mga natitira kahit hindi ako marunong. kaya katabi ko si arvin, tapos tinuturuan niya ako. naglaro kami dalawang beses, pero yung huli hindi na natapos. yung una, kasama ko si jovick at arvin. nung unang mga part, parang nananalo kami, kasi medyo marunong na ako, pero talo pa rin kami. ang galing ni nixxx kasi. nung pangalawang laro, kasama ko si arvin at jasper. talong talo naman kami, wala kaming laban. pero NAPATAY KO SI PROC. isang beses lang. first time ko. tapos bumawi siya ng maraming beses.

hindi na namin natapos yung laban kasi gabi na, mga 6:30 na nun, gusto nang umuwi ni arvin. kaya umuwi na kami lahat. kasabay ko si proc sa mrt. nung bumaba siya sa cubao, umuwi na ako mag-isa.

pero hindi pa natapos yung araw ko.

nag-meet kami ng tito, tita tsaka pinsan ko sa market market. akala ko susunduin lang ako, pero kumain kami dun sa pancake house. astig busog na busog ako kasi hindi ako ang gumastos e. tapos nag-timezone kami hanggang 9. astig kasi may coupon sa ticket nung 007 na nakasabi:
TIMEZONE
For every P 200 load,
get FREE P 100 load.
Conditions Apply
valid 11/08/2008
One pass/Person/
Day only.
ginamit ko yun, kaya nakatipid ako ng 100. tapos nung paalis na kami ng 9, akala ko, uuwi na kami. pero DUMERETSO SILA SA SINEHAN. nakasulat sa itaas "Madagascar: Escape 2 Africa". nagulat ako. buti na lang pala 007 yung pinanood namin sa TriNoma. kung Madagascar, edi naulit ko, sayang pera. hindi ko pa naman masasabi sa tito ko kasi hindi ko alam na manonood kami ng sine. natapos yung sine mga 11 na.

kaya yun, nakadalawang sine ako sa isang araw. ansarap ng tulog ko kahapon, este kanina palang mga 12.

Friday, November 7, 2008

sanawalangpasokbukas.blogspot.com

astig, pinuntahan ko yung mga quiz na nakapost sa blog ni carlo(nakasulat sa taas).

eto yung mga nakuha kong results:

This Is My Life, Rated
Life:
7.3
Mind:
7
Body:
8.8
Spirit:
6.3
Friends/Family:
8
Love:
0.8
Finance:
4.8
Take the Rate My Life Quiz


tapos eto pa

My name is You Are Gay, but cover it by acting like a playboy in front of the ladies.
Take WHAT YOUR NAME MEANS today!
Created with Rum and Monkey's Name Generator Generator.


yun lang. ay birthday pala ng bunso kong kapatid ngayon. si Aero Richard Lopez Luna. 5 years old na siya ngayon.

Wednesday, November 5, 2008

joke ni goma

kay goma tong joke na to. siya patayin nyo.

May tatlong lalake, isang taga-Ateneo, taga-La Salle at taga-UP. Binuksan nila ang mga baon nila. Pare-pareho silang nakakuha ng sandwich na may palamang P eanut butter. Nainis sila dahil araw-araw na lang na P eanut butter and palaman ng sandwich nila. Sabi nila, "Pag P eanut butter pa ang palaman ng sandwich ko bukas, magpapakamatay na lang ako."
Kinabukasan, ang laman ng sandwich nila ay...

...ay Q nut butter. Nagpakamatay sila dahil ang korny.

Monday, November 3, 2008

birthday na naman.

birthday ngayon ng mayaman at gwapo.

birthday ni carl at josh.

Saturday, November 1, 2008

battle of the bands...

hello everyone...ngayon na lang ulit ako nakapagpost dito...

anyway, sasali kami sa battle of the bands!!!

...pero dalawa banda namin ni gino...

Band No. 1: Alec Band (may secret name daw na totoo)
Lead Vocals: Alec JAN #####
Lead Guitar: (bet)Llogene de Layola
Rhythm Guitar: Gino Martin Tiro Arellano
Base Guitar: Jasper Cacbay
Drums: ako.

Band No. 2: K Band
Lead Vocals: Charles Christopher Carcamo Bataclan
Lead Guitar:
Gino Martin Tiro Arellano
Rhythm Guitar: Tei Altheus M######## Mendoza
Base Guitar: Nixxx Ilaga
Drums: ako.

P.S. Si Arvin ata epal, o vocals din siya. hindi ko alam.